Login via

Secret Affair (MS2) novel Chapter 43

                         

                          

        

      "Sure ka bang hindi ka sasama sa akin?" Tanong ko ulit kay Daimos.

     Nagliligpit ako ng mga gamit at damit ko. I'm leaving.

    Babalik ako papuntang Manila.

    Bukas ang birthday ni Cassy. Ngayong taon ako nangako na dadalo ng birthday niya since yung unang dalawang taon ay hindi ako nakapunta .

    "Susunod din naman ako doon." Aniya sa akin ni Daimos na may ginagawa sa laptop niya.

     Napakabait,sobra. Daimos is an ideal man of every girls.

    Bihira ang lalaking katulad niya. Naging best friends kami nang tatlong taon. Hindi maexplain kung paano nagsimula. Basta sa isang higlap lang. Ganon na kami e.

    Ang gaan ng loob ko sa kanya.

    Isang linggo lang ako mamamalagi si Manila. Pero depende kapag nakasunod doon si Daimos.

    Nabigla ako ng hapitin ako ni Daimos at yakapin ng mahigpit.

    He heaved a sigh.

    "Alam kong may magbabago kapag nakauwi kana doon. But always remember,I always love you and I'll be there for you ,okay?"

    Ang salitang iyon ang hindi ko masyadong maintindihan ng umalis ako ng Isla.

    I can feel that he's hurting. But why? Iba yung feeling ng umalis ako doon e.

   So nag land trip ako dahil walang airport doon sa isla. Land trip lang talaga .Isang maleta at shoulder bag lang ang dala ko.

    Noong nasa Grand terminal na ako ng Batangas ay sumakay ulit ako ng Bus patungong Manila. Hindi kasi ako nagpasundo kina Cassy.

    Hindi nila alam na pupunta ako e.Si Cassy kasi mag tu-twenty three na bukas. Ako lang yung twenty two sa aming tatlo ni Loisa.

     Noong makasakay na ako sa bus patungong Manila ay pagod at pawisan na rin ako. Pero kakaiba ang kaba na nararamdaman ko.  I'm excited. Eto pala yong feeling na bumalik sa dating lugar mo.

     Isla Constancia is a beautiful paradise. Kung sa Manila ay magulo ,party dito party doon at maingay.

    Sa Isla ay kabaliktaran, napaka peaceful doon. Maraming nagagandahang falls, beach, at tahimik na naninirahan ang mga taong simpleng namumuhay. Wala ding pribadong eskwelahan. Kung may mall man ay hindi masyadong kalakihan.

     Pero kung ako ang papipiliin sa Isla ko gustong tumira. Napaka stress free doon.

    Kinabukasan ay tinanghali ako ng gising . Dahil na rin siguro sa pagod at puyat ko sa biyahe kahapon.

    Daimos keep on calling me. He's been checking if I eat or sleep well. He's so thoughtful and I missed him already.

    Nasa dating condo ako ngayon. Ganon pa din ang itsura nito. Malinis pa din dahil sa care taker na naglilinis dito ng wala ako.

    Noong bandang alas dos ay napagpasyahan ko na mag mall. Bibili ako ng regalo kay Cassy at  bibili ng susuotin ko na din.

    Alam kong masusurprise siya. Hindi ko siya nirereplyan sa mga texts niya na kung dadalo ba ako.

    Nagsuot ako ng maroon na tshirt at ripped shorts and my hair in a messy bun. Hindi na ako nag abalang mag lagay ng kahit ano sa mukha ko.

     Nagtaxi ako patungong Shangri-la.

Pagkapasok ko palang ay kumalabog na ang puso ko sa kaba. Nakakamiss dito. Walang Shangri-la sa isla. Kaya na miss ko talaga ang ganitong buhay kahit paano.

   

    Gosh, I'm so outdated

     Si Radleigh kaya? Malaki na siguro ang baby niya. Almost three years na din. Siguro kasal na sila ni Pia ngayon.

    Dinelete ko kasi ang account ko sa facebook nung umalis ako noon.

    Kung hindi kaya ako umalis noon? Mag aayos kaya kami ni Rad?

   

     Until now ang laki parin ng epekto niya sakin!

     Hindi ko namalayan ang pag agos ng luha ko kaya agad kong pinunasan.

     At napalinga ng hindi sadya sa paligid.

     Halos malagutan ako ng hininga ng makita ko si Rad palabas ng isang botique! May bitbit siya na batang babae at alam kong tatlong taon na iyon! Kamukhang kamukha ni Pia!

     Iniwas ko agad ang tingin ko!

    Sana hindi nalang ako umuwi! Alam kong makikita ko sila dito pero hindi ko alam na ganitong araw din.

     Hindi na ako nag atubiling umalis agad ng resto. Hindi ko kakayanin.

    I need Daimos now. My comfort zone.

Manila is not healthy for me anymore. It's making me sick.

    Kung si Daimos ang comfort zone ko. Si Rad naman ang lason sa akin.

    Fucking hell! I really hate this day!

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Secret Affair (MS2)