Login via

Secret Affair (MS2) novel Chapter 11

                             Chapter 10

              I wore a black off shoulder and a highwaist ragged skinny jeans. I tied my hair in a messy bun.  Four days since Rad and I, got back here in Manila and those days for me like hell.

       He texted me last time na may kailangan daw silang puntahan ng pamilya niya sa Tagaytay. Hindi ko alam kung bakit nagtagal ng ' four days.

       "Hello! earth to Frixxie!" Aniya sa akin ni Loisa na tumabi sa akin sa bench kasama si Cassy. May mga dala silang frappe.

       Bakit ko ba kasi sinanay ang sarili ko sa presensya ni Rad. Nakakalungkot kapag wala siya. Worst, kahit malungkot ako wala akong mapagsasabihan kahit kaibigan ko.

       "Tulala ka na naman."  Puna sa akin ni Cassy.

      "Wala to. Masama lang siguro ang pakiramdam ko ."

      Nagkatinginan silang dalawa. "Sigurado ka Frix? Namamayat ka kaya." Hinawakan pa ni Loisa ang braso ko tila ba sinusukat kung namayat nga ako.

     "Mukhang stress ka pa, pero dyosa parin! Gosh! How can you do that in the same time?" She added.

     Humalakhak naman si Cassy. "Naku! Loisa Ina! Magparetoke ka kung gusto mong gumanda tulad ni bebe Frixxie!"

     Umirap nalang sa kanya si Loisa. Ngumiwi naman ako at sumimsim nalang sa aking frappe. Nandito kami ngayon' sa isang Park malapit sa HMU.

    May kinuha lang kaming chart kanina sa school at napag isipan na magliwaliw dito.

    It's  5:00 pm already pero wala akong ganang umuwi sa unit ko. Malulungkot lang ako lalo.

      "Tangina! Ang Hot ni Rad dito." Singhap ni Loisa na may pinipindot sa cellphone niya.

    "Patingin nga!" Aniya ni Cassy.

      Siguro may inupload na naman si Rad na pictures nila sa instagram.Shit. How I miss him so much.

      "Damn,ang ganda ng kayakap niya! Girlfriend niya siguro yan!' Ang sweet nila!"  Aniya ni Cassy.

     Halos, malukot ang pagkakahawak ko sa frappe dahil sa sinabi ni ' Cassy.

    Kayakap? Kumirot bigla ang dibdib ko na tila ba hindi ako makahinga sa sakit.

     Nangilid ang luha ko kaya pasimple akong tumingala Noong kailan lang kami' dumating galing sa Batangas tapos ngayon iba naman ang kasama niya.

     Ngayon may sagot na sa tanong ko kung sa ibang babae ba ay ganon din siya.Katulad ng ginagawa niya sa akin. Oo , meron nga.

    "Tignan mo Frix oh. Ito siguro yung ' girlfriend ni Rad". Sabi sa akin ni Loisa.

      Umiling ako at walang lakas para tignan. Baka kung dito pa mismo ako umiyak kapag nakita ko yan.

     Nagkatinginan silang dalawa tila nag uusap gamit ang mata.

     Loisa sighed. " Sige, pero Frix kung may problema ka. Magkasabi ka lang. Okay lang naman kahit hindi e. Pero nalulungkot din kasi kami na ganyan kana ngayon. Saan na yung Frixxie na madaldal noon?"

      Hinimas himas naman ni Cassy ang likod ko. Somehow I'm still lucky having friends.

     Niyakap nila akong dalawa.

    "Tama na Frix oh! Sige mamaya magba bar tayo. Treat ko kayo kaya wag ka nang umiyak. Ano pa ang gusto mo? Bibigay ko!" Pang alo sa akin ni Cassy kaya medyo natawa ako.

      "Lets get drunk tonight! Sky is the limit!" Sabi ko.

     "Sabi mo e, smile na diyan! Naku! Umiyak ka nalang pala! Bakit kasi ang ganda mo parin kahit ganyan ang mukha mo e' Kainis!" Kumamot pa sa ulo niya si Cassy.

     Natawa ako ng bahagya doon. Medyo kumalma ang emosyon ko dahil sa kanilang dalawa. Gusto kong maglibang mamaya. Hindi ko alam kung ano ang kahihinatnan ng lahat.Pero gusto ko lang makalimot saglit sa sakit.

      Pagkatapos niyang baliwin sa sarap, babaliwin niya naman sa hirap.

    Gusto ko siyang kalimutan.Pero paano ko gagawin kung ang puso at isip ko mismo 'ang tinitibok at iniisip ay siya?

    Wala akong kakampi kahit katawan ko ay si Rad ang hanap.

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Secret Affair (MS2)